Saturday , November 16 2024

Pa-raffle ng Solaire dapat sudsurin ng BIR

00 Bulabugin JSY

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung talaga bang napupunta sa kabang yaman ng bayan sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kinakaltas na bente (20) hanggang trenta (30) posiyentong buwis mula sa kanilang papremyong kotse at kahit maging sa cash.

Totoo ba, BIR Commissioner KIM HENARES na nagre-remit sa BIR ang Solaire Casino sa kinakaltas nilang buwis sa mga papremyo nila sa kanilang promotional raffle?!

O sa kanilang kompanya lang ‘yan!?

Ang ipinagtataka kasi ng mga pumupunta sa Solaire Casino, bakit nagkakaltas sila ng TAX sa kanilang raffle prizes samantala ‘yung Resorts World Casino nakapagpapa-raffle nang TAX FREE.

Maliwanag  po ‘yan sa announcement nila sa kanilang mga billboard, tarpaulin at fliers — TAX FREE! Cash man o kotse ang napanalunan ng Resorts World Casino players.

‘E sa Solarie Casino, halimbawang nanalo kayo ngayon ng kotse, may babayaran kang tax at sasabihin sa inyo, three to four weeks pa bago maging available.

Sa Resorts World, agad-agad maiuuwi ng winner ang kotse.

Anak ng teteng, parang ayaw ibigay ng Solaire ang napalunan ng player ‘di ba!?

Sa bwisit nga minsan ng  mga car raffle winner ‘e ikino-convert na lang nila sa cash.

Kapag  na-convert naman sa CASH, ‘e kakaltasan rin ng tax ‘kuno’ o kaya ang ibibigay ng Solaire Casino ‘e PLAYING CHIPS para isugal at ipatalo mo ulit sa kanila.

SONABAGAN!

Madam KIM HENARES, marami ang nagtataka kung bakit nakalulusot sa inyo ang kakaibang ‘GIMIK’ ng Solaire Casino — panindigan ninyo ang kampanya ninyo sa  pangongolekta ng BUWIS — alang-alang sa ‘DAANG MATUWID’ ni PNoy!

POSISYON AT PANININDIGAN NG INYONG LINGKOD SA NPC MAY 2014 ELECTIONS

NAKATATABA ng puso at sa katunayan (nakahihiya man aminin) ‘e pinamumulahan tayo ng mata dahil sa ipinadaramang malasakit, tiwala at suporta ng mga katoto/kasamahan natin na hinihikayat tayong muling tumakbo bilang Pangulo ng National Press Club (NPC).

Ang akin pong posisyon at paninidigan sa darating na eleksiyon ng NPC sa Mayo 4, 2014 ay patunay ng aking malasakit hindi lamang sa organisasyon kundi maging sa bawat indibidwal na miyembro nito.

Walang pagtatangi, walang pagmamaliit at lalong walang pag-uuri.

Naniniwala ako na ang NPC ay isang ‘social club’ para sa mga mamamahayag hindi para ‘magpataasan ng ihi’ kundi para ipadama sa bawat isa na mayroong isang organisasyon na pwede nilang makaalakbay (hihiramin ko po ang terminong ito sa hinahangaan at iginagalang nating si Ariel Borlongan) sa pagtupad ng tungkulin bilang mga mamamahayag.

Isang social club na napagsikapan nating hindi man naging pantay-pantay ay nagkaroon ng pagkakataon na magkasalamuha ang sabi nga ‘e malalaki o mga sikat at maliliit na beat reporters sa ilang mga pagkakataon o event na ginagawa natin noon sa NPC.

Pero sa ilang linggo nating pag-oobserba o pag-aaral sa mga huling pangyayari sa Club, nagpasya ang inyong lingkod na HUWAG lumahok o tumakbo sa ano mang posisyon sa darating na May 4 NPC elections.

Naniniwala po ang inyong lingkod na kahit wala tayong posisyon sa NPC ay magagampanan pa rin natin ang adbokasiyang isinusulong natin noon na sad to say ay marami ang nagsasabing hindi na nila nakikita ngayon.

Tradisyonal man ang inabutan nating aktibidad sa NPC, nakita natin kung paano nito pinagbuklod ang malalaki at maliliit na mamamahayag kahit man lang tuwing eleksiyon.

MARAMING SALAMAT sa tiwala at suporta sa ilang taon na tayo’y nanungkulan sa NPC mula sa pagiging director hanggang maging pangulo.

Naniniwala tayo na sa abot ng ating kakayahan ‘e nakapag-iwan tayo ng magandang legacy sa NPC.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

PULONG NG MGA BAGMAN SA PNP-NCRPO

MAY ipinaabot pong INFO sa inyong lingkod hinggil sa ‘PULONG ng mga BAGMAN.’

Ginanap daw ang pulong sa isang tanggapan ng KERNEL sa PNP-NCRPO Bicutan na kinabibilangan ng APAT na sikat na mga bagman/kolektong na sina alias  JO-JO KRUS, NOEL ‘D BAGMAN KASTRO, BERT PERA at JAKE DOKLENG.

Ang APAT na kamote este BAGMAN ay parang mga ‘burgesya komprador’ na pinaghahati-hatian sa kanilang pulong kung alin, ano at saan sila tututok para sa kanilang ‘masaganang cobranza.’

GEN. CARMELO VALMORIA Sir, nasa tungki ng iyong ilong ang mga nagpapakilalang BAGMAN …

Talas-talasan mo lang ang pakiramdam pag may time, Sir!

UMAASENSO AT YUMAYAMAN ANG MGA TULIS este PULIS-MPD SA PCP PLAZA MIRANDA

HINDI lang daw ang nagpapakilalang OVM Manila Vice Squad bagman alias JONAT BONSAI  ang biglang-yaman/asenso kundi pati raw ang ilang tulisan ‘este’ pulis sa MPD PLAZA MIRANDA PCP.

MPD DD Gen. Rolando Asuncion, ‘yan po ay base sa impormasyon na pinarating sa atin.

Aba’y akala mo nga raw, may car display room ang tapat mismo ng Plaza Miranda PCP dahil makikitang nakaparada ang mga bagong sasakyan gaya ng ISUZU Crosswind, Mitsubishi ADVENTURE at ang nakagugulat, mayroon pang malalaking imported na motorsiklo (big bike) na bibihira lang daw makita sa kalsada.

FYI Gen. Asuncion, hindi raw bababa sa P200K ang halaga ng big bike na madalas makita na gamit ni Plaza Miranda PCP chief P/INSP. ROMMEL ‘TISOY’ ANICETE.

Tanong tuloy ng mga antigong vendors sa Quiapo, Maynila kung ito ba’y katas ng tara ‘y tangga mula sa kanila?

By the way Gen. Asuncion, paimbestigahan ninyo ang raket ng dalawang bugok na pulis d’yan sa PCP Plaza Miranda na sina alias TATA O-BINA at TATA 4-TAKLESA.

Simple lang po ang diskarte nilang bulok, ipatatawag ang ilang herbal vendor at pagkatapos ay aakusahan na nagtitinda ng CYTOTEC, ginagamit na abortion pill, at saka tatakutin na kakasuhan sila dahil may nakompiska sa kanilang Cytotec.

Oobligahin nila ngayon na maghatag sa kanila ng 5K pataas para pakawalan ang pobreng herbal vendor.

Sonabagan!!!

Malakas daw ang loob ng dalawang kamote na magwalanghiya  dahil bata raw sila ng isang punyente ‘este’ tinyente na kasangga ang isang kumpare (boss Joji) ni Yorme Erap.

General Asuncion, mag-surprise visit ka lang sa lumang PCP sa gilid ng simbahan para mabulaga ninyo ang ang PITCHAAN nila, Sir!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *