Sunday , December 22 2024

Pa-raffle ng Solaire dapat sudsurin ng BIR

00 Bulabugin JSY

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung talaga bang napupunta sa kabang yaman ng bayan sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kinakaltas na bente (20) hanggang trenta (30) posiyentong buwis mula sa kanilang papremyong kotse at kahit maging sa cash.

Totoo ba, BIR Commissioner KIM HENARES na nagre-remit sa BIR ang Solaire Casino sa kinakaltas nilang buwis sa mga papremyo nila sa kanilang promotional raffle?!

O sa kanilang kompanya lang ‘yan!?

Ang ipinagtataka kasi ng mga pumupunta sa Solaire Casino, bakit nagkakaltas sila ng TAX sa kanilang raffle prizes samantala ‘yung Resorts World Casino nakapagpapa-raffle nang TAX FREE.

Maliwanag  po ‘yan sa announcement nila sa kanilang mga billboard, tarpaulin at fliers — TAX FREE! Cash man o kotse ang napanalunan ng Resorts World Casino players.

‘E sa Solarie Casino, halimbawang nanalo kayo ngayon ng kotse, may babayaran kang tax at sasabihin sa inyo, three to four weeks pa bago maging available.

Sa Resorts World, agad-agad maiuuwi ng winner ang kotse.

Anak ng teteng, parang ayaw ibigay ng Solaire ang napalunan ng player ‘di ba!?

Sa bwisit nga minsan ng  mga car raffle winner ‘e ikino-convert na lang nila sa cash.

Kapag  na-convert naman sa CASH, ‘e kakaltasan rin ng tax ‘kuno’ o kaya ang ibibigay ng Solaire Casino ‘e PLAYING CHIPS para isugal at ipatalo mo ulit sa kanila.

SONABAGAN!

Madam KIM HENARES, marami ang nagtataka kung bakit nakalulusot sa inyo ang kakaibang ‘GIMIK’ ng Solaire Casino — panindigan ninyo ang kampanya ninyo sa  pangongolekta ng BUWIS — alang-alang sa ‘DAANG MATUWID’ ni PNoy!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *