Sunday , December 29 2024

So long Rubie, so long …

00 Bulabugin JSY

NAIHATID na sa huling hantungan ang katotoo nating Rubie Garcia.

Ano man ang nasa likod ng pamamaslang kay katotong Rubie, umaasa tayong lalabas din ang katotohanan at mabibigyan ng hustisya ang pamamaslang sa kanya.

Marami nang nagpaaabot ng impormasyon sa inyong lingkod kahapon.

At tayo ay labis na nalulungkot tungkol sa mga naririnig natin.

Ang gusto lang natin ay makamit ni katotoong Rubie at ng kanyang mga naulila ang katarungan.

Ayaw natin maisama sa mga natabunan, ang katarungan para kay Ruby.

Sa isang info na natanggap natin, na kinakaladkad pa ang HATAW D’yaryo ng Bayan, na hindi raw natin inilabas ang balita at mga pangyayari tungkol sa pagkamatay ni katotong Rubie, ‘e hindi na po ako makikipag-argumento.

‘Yung hindi naglabas, alam ng lahat na walang katotohanan ‘yan.

Ikalawa, pakisilip lang ‘yung ibang diyaryo bago ninyo kaladkarin ang HATAW sa mga isyung walang katotohanan.

Hindi po tayo mahilig mag-grandstanding at mag-exploit.

Hindi ko po kailangan punuin ng istorya o retrato ang aming pahayagan para lang sabihin o ipakita na taos ang ating pakikiramay kay Rubie at sa kanyang pamilya.

Ang pakikiramay ko po sa ating katotong Rubie ay nasa aking PUSO.

At alam kong ALAM ni RUBIE ‘yan, saan man siya naroroon ngayon.

Anyway, Rubie, saan ka man naroroon, umaasa ako na ‘tutulong ka’ para maigawad ang katarungan para sa iyo at sa iyong pamilya.

So long Rubie, so long … hanggang sa muli.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *