WALA raw special treatment kay Delfin Lee ng Globe Asiatique noong panahon na siya ang HUDCC chair at the same time ay umuupong board sa Pag-IBIG Fund.
‘Yan ang binigyang-diin ni ABS CBN broadcaster Noli De Castro sa Senate Housing Committee hearing.
Wala nga raw SPECIAL TREATMENT ang meron lang ‘e nakita nilang may ‘espesyal’ sa project ng Globe Asiatique kaya nakipag-partner ang Pag-IBIG Fund sa kanila.
‘Yung sinasabing special project na may special na program ay tinatawag nilang TOWNSHIP.
“Walang special treatment, only a special program, kasi ho ito po ay township [project]. May simbahan, may munisipyo, may high school, may palengke, may plaza. Ito po ang pangarap naming development ng developers,” diin ni De Castro sa nasabing hearing.
‘Yan daw ang dahilan kung bakit naglaan sila ng P6.6 billion pondo para sa Globe Asiatique.
Noong 2008 nakuha ito ng Globe Asiatique sa ilalim ng Funding Commitment Agreement.
Ito nga ’yung panahon na si Kabayad ‘este mali’ Kabayan De Castro ay Housing and Urban Development Council (HUDCC) chairman at ex-officio chairman ng Pag-IBIG board.
Pero ang malungkot, nang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isinumbong na iregularidad sa proyekyo ng Globe Asiatique, natuklasan nila na nagsinungaling si Lee at gumamit ng mga pekeng dokumento para makuha ang kanyang loan sa Pag-IBIG.
Sa kabuuang 9,951 bilang ng supposed Pag-IBIG borrowers na bumili ng units sa Globe Asiatique homes, 1,000 sa kanila ay hindi matagpuan, 400 ang hindi naaprubahan ang housing loans, at 200 ang incomplete documents sa nasabing transaksiyon.
At ang mga nakatalang buyer ay sinabing fake members ng Pag-IBIG habang ang ibang grupo naman ay gumamit ng mga peke o kaduda-dudang dokumento.
‘O Sige, ex-HUDCC chairman and Pag-IBIG Fund Ex-Officio, sabihin natin na walang special treatment, pero bakit napakabilis nakuha ni Lee ang P6.6 billion loan agreement?
Bakit ang NBI pa ang nakatuklas na peke ang mga dokumento at malaki ang bilang na hindi totoong miyembro ng Pag-IBIG?!
Wala bang nag-scrutinize ng mga dokumentong ipinasa ni Lee sa Pag-IBIG noon?!
Ilan lang po ‘yan sa mga katanungan.
Pero higit sa lahat, gusto po natin ipaunawa sa lahat, paano ngayon ‘yung mga miyembro ng Pag-IBIG na ilang taon naghulog pero nang kakailanganin na nila ay matutuklasan nilang nagamit ang PANGALAN nila sa isang loan agreement na wala silang kaalam-alam.
Paano nagkaroon ng ACCESS sa mga account ng Pag-IBIG members ang Globe Asiatique?!
Wala rin bang ALAM ang Pag-IBIG d’yan?!
Sonabagan!!!
Kaya gusto natin itanong ngayon kay Pag-IBIG Chair Madam Darlene Marie Berberabe, paano po makatitiyak ang isang Pag-IBIG member na hindi magagamit ng kung sino-sino ang account nila?!
Natukoy na po ba kung sino ang kasabwat ni Delfin Lee sa Pag-IBIG?!
Kailangan pong tukuyin sila, isama sa asunto para maparusahan. Kapag hindi sila pananagutin ‘e t’yak na mauulit ‘yan.
Ex-VP Noli De Castro, hindi lang binabati ng ‘magandang gabi’ ang bayan …
Dapat ‘e ‘maganda’ talaga ang buhay nila lalo na ‘yung mga nagtitiyagang pag-ipunan ang kanilang Pag-IBIG account.
‘Di po ba, ex-VP NOLI?!
GROUNDED LANG ANG LABOR OFFICIALS NA SANGKOT SA SEX-FOR-FLIGHT?! SONABAGAN!!!
KAKAIBA rin palang magparusa ng mga ‘MANYAKOL na OPISYAL ang Department of Labor (DOLE).
Mantakin ninyong magbugaw at mambastos ng mga babaeng DISTRESSED overseas workers ‘e ang parusa, GROUNDED lang?!
Hindi na raw sila pwedeng i-assign sa labas ng bansa forever kaya rito na lang sila binigyan ng pwesto sa Philippines?!
Wahahahahaha!
Natatawa ako sa sa inyo Labor Secretary Rosalinda Baldog ‘este’ Baldoz. Isa kang babae pero parang ni hindi mo man lang binigyan ng katarungan ang mga napagsamantalahan at nabastos na babaeng OFWs.
Ang nakatatawa pa rito, pagkatapos ng imbestigasyon ng DOLE sa sex-for-flight ‘e ang naging kaso lang nina dating Riyadh labor attache at Jordan acting labor attaché ‘e “ failure to do their duties well.”
Sonabagan talaga!
Tapos na raw ang isang-buwan na suspensiyon ni Musang ‘este’ Musa, si Antonio kailangan tapusin ang kanyang apat-buwan suspensiyon dahil sa paggamit ng mga bastos na salita sa pakikipag-usap sa distressed workers at nahuling panonood ng pornographic materials sa laptop ng opisina na inisyu sa kanya.
Habang si Antonio Villafuerte naman ay hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
Sina Musa, Antonio at Villafuerte ay pawang GROUNDED ngayon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa sex-for-flight …
Hindi ba mas dapat na sibakin na sila sa PNoy administration!?
GANO’N lang ba ‘yun, Secretary Baldoz?!
PILITIN NATING MANGILIN SA GITNA NG MODERNONG PAGGUNITA SA SEMANA SANTA
MALAKI na talaga ng ipinagbago ng panahon.
Noong araw kapag Semana Santa, maraming nagpapakabait at napupuno ang mga simbahan.
Ngayon ibang klase na … FULLY BOOKED ang mga resorts, private pool, hotel at iba pang pwedeng pagbakasyonan. ‘Yun iba nga sa abroad pa.
Lalo na rito sa ating bansa. Marami tayong mga kababayan ang sinasamantala ang mahabang bakasyon dahil ito nga naman ang magandang panahon para sa bonding ng pamilya.
Pero ang masasabi lang natin, ngayong Semana Santa po, hindi man tayo mga deboto ng ano mang relihiyon na ating kinabibilangan, ‘e maglaan po tayo ng oras at panahon para mangilin sa panahong ito.
Ingat din po sa lahat ng biyahe-biyahe at mga nasa beach at resorts.
ANOMALYA SA BI DETENTION CELL TULOY PA RIN!?LAST March 24, isang Bureau of Immigration (BI)-detainee na Vietnamese national na kilala sa tawag na “Kong Kong” ang natagpuang walang malay sa loob ng detention facility sa Bicutan.
Sinasabing drug overdose daw ang dahilan ng insidente. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nasosolusyonan ang pangunahing problema sa BI Bicutan detention cell. Talamak pa rin daw ang pagpasok ng droga, alak, computer gadgets at cellphones na alam naman ng lahat na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng isang detention cell.
Sa lahat ng pangyayaring ito, pangalan ni Technical Assistant (T/A) for detention ARIEL ANTAY ‘este’ AGTAY ang binabanggit kung bakit lumalala raw ang suliraning ito.
Mukha yatang hindi naging effective ang pagkakatalaga sa Mistah ni BI Comm. Fred Mison!?
O baka naman hindi sila nagkakasundo ng kasalukuyang warden na si Rev Dela Cruz kaya nagkakaroon ng gibaan sa pagitan ng dalawa?
Comm. Fred Mison, baka naman kinakailangan may magsakripisyo o mag-give-way sinoman sa dalawa para umayos ang takbo sa BI Holding Facility?
Mukhang masikip ang mundo nilang ginagalawan para sa kanilang dalawa!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com