Friday , November 15 2024

Ex-HUDCC chair Noli de Castro inaabswelto si Delfin Lee?

00 Bulabugin JSY

WALA raw special treatment kay Delfin Lee ng Globe Asiatique noong panahon na siya ang HUDCC chair at the same time ay umuupong board sa Pag-IBIG Fund.

‘Yan ang binigyang-diin ni ABS CBN broadcaster Noli De Castro sa Senate Housing Committee hearing.

Wala nga raw SPECIAL TREATMENT ang meron lang ‘e nakita nilang may ‘espesyal’ sa project ng Globe Asiatique kaya nakipag-partner ang Pag-IBIG Fund sa kanila.

‘Yung sinasabing special project na may special na program ay tinatawag nilang TOWNSHIP.

“Walang special treatment, only a special program, kasi ho ito po ay township [project]. May simbahan, may munisipyo, may high school, may palengke, may plaza. Ito po ang pangarap naming development ng developers,” diin ni De Castro sa nasabing hearing.

‘Yan daw ang dahilan kung bakit naglaan sila ng P6.6 billion pondo para sa Globe Asiatique.

Noong 2008 nakuha ito ng Globe Asiatique sa ilalim ng Funding Commitment Agreement.

Ito nga ’yung panahon na si Kabayad ‘este mali’ Kabayan De Castro ay Housing and Urban Development Council (HUDCC) chairman at ex-officio chairman ng Pag-IBIG board.

Pero ang malungkot, nang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isinumbong na iregularidad sa proyekyo ng Globe Asiatique, natuklasan nila na nagsinungaling si Lee at gumamit ng mga pekeng dokumento para makuha ang kanyang loan sa Pag-IBIG.

Sa kabuuang 9,951 bilang ng supposed Pag-IBIG borrowers na bumili ng units sa Globe Asiatique homes, 1,000 sa kanila ay hindi matagpuan, 400 ang hindi naaprubahan ang housing loans, at 200 ang incomplete documents sa nasabing transaksiyon.

At ang mga nakatalang buyer ay sinabing fake members ng Pag-IBIG habang ang ibang grupo naman ay gumamit ng mga peke o kaduda-dudang dokumento.

‘O Sige, ex-HUDCC chairman and Pag-IBIG Fund Ex-Officio, sabihin natin na walang special treatment, pero bakit napakabilis nakuha ni Lee ang P6.6 billion loan agreement?

Bakit ang NBI pa ang nakatuklas na peke ang mga dokumento at malaki ang bilang na hindi totoong miyembro ng  Pag-IBIG?!

Wala bang nag-scrutinize ng mga dokumentong ipinasa ni Lee sa Pag-IBIG noon?!

Ilan lang po ‘yan sa mga katanungan.

Pero higit sa lahat, gusto po natin ipaunawa sa lahat, paano ngayon ‘yung mga miyembro ng Pag-IBIG na ilang taon naghulog pero nang kakailanganin na nila ay matutuklasan nilang nagamit ang PANGALAN nila sa isang loan agreement na wala silang kaalam-alam.

Paano nagkaroon ng ACCESS sa mga account ng Pag-IBIG members ang Globe Asiatique?!

Wala rin bang ALAM ang Pag-IBIG d’yan?!

Sonabagan!!!

Kaya gusto natin itanong ngayon kay Pag-IBIG Chair Madam Darlene Marie Berberabe, paano po makatitiyak ang isang Pag-IBIG member na hindi magagamit ng kung sino-sino ang account nila?!

Natukoy na po ba kung sino ang kasabwat ni Delfin Lee sa Pag-IBIG?!

Kailangan pong tukuyin sila, isama sa asunto para maparusahan. Kapag hindi sila pananagutin ‘e t’yak na mauulit ‘yan.

Ex-VP Noli De Castro, hindi lang binabati ng ‘magandang gabi’ ang bayan …

Dapat ‘e ‘maganda’ talaga ang buhay nila lalo na ‘yung mga nagtitiyagang pag-ipunan ang kanilang Pag-IBIG account.

‘Di po ba, ex-VP NOLI?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *