Sunday , December 29 2024

Anomalya sa BI detention cell tuloy pa rin!?

00 Bulabugin JSY

LAST March 24, isang Bureau of Immigration (BI)-detainee na Vietnamese national na kilala sa tawag na “Kong Kong” ang natagpuang walang malay sa loob ng detention facility sa Bicutan.

Sinasabing drug overdose daw ang dahilan ng insidente. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nasosolusyonan ang pangunahing problema sa BI Bicutan detention cell. Talamak pa rin daw ang pagpasok ng droga, alak, computer gadgets at cellphones na alam naman ng lahat na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng isang detention cell.

Sa lahat ng pangyayaring ito, pangalan ni Technical Assistant (T/A)  for detention ARIEL ANTAY ‘este’ AGTAY ang binabanggit kung bakit lumalala raw ang suliraning ito.

Mukha yatang hindi naging effective ang pagkakatalaga sa Mistah ni BI Comm. Fred Mison!?

O baka naman hindi sila nagkakasundo ng kasalukuyang warden na si Rev Dela Cruz kaya nagkakaroon ng gibaan sa pagitan ng dalawa?

Comm. Fred Mison, baka naman kinakailangan may magsakripisyo o mag-give-way sinoman sa dalawa para umayos ang takbo sa BI Holding Facility?

Mukhang masikip ang mundo nilang ginagalawan para sa kanilang dalawa!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *