Saturday , April 19 2025

Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)

KUKWESTYUNIN ng prosekusyon ang tumatagal na pananatili ni Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak), at hindi pa rin naooperahan.

Ayon kay Special Prosecutor Christopher Garvida, sa susunod na linggo ay matatapos na ang ibinigay na 26 araw ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 para maoperahan si Napoles.

Para kay Garvida, kung hindi maisasagawa ang surgery ay mainam na ibalik na lamang sa kulungan si Napoles.

Nilinaw din niyang hindi nila inaalis ang humanitarian consideration sa binansagang pork barrel fund scam queen, ngunit hindi rin nila palalagpasin ang ano mang special treatment.

Ang pagbibigay daan aniya para masuri at magamot ni Napoles ng private doctors ay hindi na nila kinuwestyon, ngunit kung lalagpas sa itinakdang araw  ay maituturing nang kalabisan.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

Water Faucet Tubig Gripo

Kompanya ng mga Villar sinisi sa kawalan ng tubig sa iba’t ibang lugar 

BINATIKOS ng mga konsumer mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Las Piñas representative …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *