Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakikipag-sex sa panaginip

Helo and gud day po s inyo,

Senor ako po c polly pls pa nterpret yung panginip ko na nakpagsex daw ako s babae at nabuntis ko dw i2, may asawa na po ako e… anu po kya meaning ni2? Hhntayin ko ung reply nyo s hataw, wag nyo na lang popost number ko po, tnx a lot senor…!

To Polly,

Ang panaginip hinggil sa sex ay may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng iyong sarili o pagkatao.  Maaaring senyal ito sa iyo upang mabatid na naghahanap ang iyong pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex.  Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi mo ito mailabas sa reyalidad kaya lumalabas ito sa iyong panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan o nagsisilbing palaisipan. Bunga rin ito ng pagiging malamig, hindi mapag-eksperimento o kakulangan sa komunikasyon ninyong mag-asawa na may kinalaman sa sex. Posible rin na nangangahulugan ito na may mga pagkakataon na nakaka-isip kang gumawa ng hindi maganda o tumikim sa ibang partner, subalit ikaw ay nag-aalala sa hindi magandang kalalabasan nito, tulad ng pagbubuntis ng posibleng kalaguyo o ang mahuli ka ng iyong asawa. Kundi man ganoon, maaari rin naman na may babaeng sa palagay mo ay tinutukso ka o kaya naman, may mga pagkakataong maaari kang mahumaling o matuksong gawin ang mga bagay na ito, kaya ganito ang tema ng panaginip mo. Makabubu-ting maging matatag at huwag magpadala sa tukso o sa tawag ng laman. Huwag hayaang masira ang iyong pamilya at makagawa ka ng bagay na maaari mong pagsisisihan ng habambuhay. Gawin ding mas maging bukas ang komunikasyon sa pagitan ninyong mag-asawa upang maiwasan ang pagdududa at maliwa-nagan ka sa mga bagay na hindi mo maarok o maaaring maging mitsa upang kayo ay magkaroon ng misunderstanding o tampuhan. Good luck sa iyong pamilya at God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …