Sunday , December 29 2024

MTPB Chief Carter Logica sinusuwag si Yorme Erap?

00 Bulabugin JSY

KAMAKAILAN nagpalabas ng direktiba si ousted president Yorme Erap para sa Manila Police District (MPD) na isaayos ang peace and order sa Maynila.

Direkta ang utos ni Yorme kay MPD District Director C/Supt Rolando Asuncion.

Kaya naman pinaigting ng MPD, katuwang ang barangay, ang pagpapatupad ng mga city ordinance para sa epektibong peace and order program sa lungsod bilang suporta ng pulisya kay Erap.

Kasunod nito, inatasan ni Gen. Asuncion ang labing-isang (11) station commanders at mga police community precincts (PCP) na makipag-ugnayan sa bawat barangay na nasasakupan upang mahigpit na ipatupad ang batas at city ordinances gaya ng curfew para sa mga menor de edad, drinking session sa kalsada at paglalakad nang walang pang-itaas na damit.

Sa kabila ng kampanyang ito ni Yorme Erap, hindi maiiwasan na may mga pasaway pa rin at higit na nakadedesmaya ay mismong tauhan/opisyal pa ng city hall ang sumusuwag ‘este’ sumusuway sa kautusan n’ya.

Gaya ng isang insidente sa Balut na isinumbong sa atin kamakailan. Matapos masita ng Barangay Ex-O at tanod ang isang 9-anyos na bata na anak umano ng isang opisyal ng Manila Traffic & Parking Bureau  (MTPB) na si CARTER LOGICA.

Maayos naman daw na pinagsabihan ng barangay official ang batang si alyas Boy helicopter para pauwiin na at inimpormahan na bawal ang mga menor de edad sa lansangan bunsod ng ipinatutupad na curfew alinsunod sa Manila City Ordinance na ipinatutupad ng Maynila.

Pero mukhang likas na pasaway daw ‘yung bata, Biglang nagtatakbo kaya napilitan silang dalhin sa Barangay hall.

Sabi nga ng isang barangay tanod, talaga raw pasaway ang anak ni Carter na madalas nilang makitang  lumalabas kahit curfew hour na para maglaro ng kanyang Giant Helicopter with remote CompTroller.

Eto na, pasado alas-12 noong Abril 5 ipinatawag daw ni MTPB chief Carter Logica sa isang barangay tanod ang barangay Ex-O na bumagansya sa kanyang anak.

Kasama ni Carter ang kanyang mga tauhan na naka-uniporme pa ng MTPB at dalawa niyang aso ‘este’ bodyguards sa harap ng kanyang bahay sa Rodriguez St., Balut, Tondo.

Maangas na tinanong umano ni Carter Logica ang barangay Ex-O kung alam ba niya ang kanyang ginawa at kung kilala ba niya ang kanyang binabangga?!

Siyempre nagulat at kinabahan ‘yung barangay Ex-O dahil napapaligiran siya ng mga aso ‘este’ tauhan ni Carter.  Sinigaw-sigawan pa umano ni Carter Logica ang barangay Ex-O sa harap ng maraming kapitbahay at saka pinagmumura na: “Alam mo ba kung sino ako at baka gusto mong malaman ni Vice ang ginawa mo?!”

Mahinahon pa rin na nangatwiran si barangay Ex-O na ipinatutupad lamang niya ang batas alinsunod sa city ordinance na direktiba ni Mayor Erap.

Mabuti na lang at inawat ng ilang mga kapitbahay ang tila lasing na si Carter Logica para maiiwas sa kapahamakan si Ex-O dahil nakikita nilang umuunday ng suntok o sampal at tila kukuyugin ng grupo ni Logica.

Sonabagan!!!

Yorme Erap, ganyan ba ang klase ng mga taong ini-appoint mo sa mga sensitibong pwesto sa City Hall?

Aba’y, walang nangyaring ganyan pang-aabuso noong panahon ni Mayor Lim.

Yorme Erap, oras na para putulan mo ng sungay ang mga pasaway diyan sa City Hall!

Magaling po sila …magaling humanap ng mga taong magagalit sa inyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *