Friday , November 22 2024

PCOO Secretary Sonny Coloma mas ‘taklesa’ pa raw kay Kris Aquino!?

00 Bulabugin JSY

NALILIMUTAN yata ng mga tagapagsalita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na sila ay nagsasalita alunsunod sa kung ano ang posisyon ng Pangulo o ng pamahalaan sa mga importanteng isyu na kinakailangan bigyan ng impormasyon o assurance ang publiko na may ginagawa ang Palasyo.

Ang siste, pagharap ng mga tagapagsalita ni PNoy sa publiko ‘e ‘yung mga sarili nilang opinyon at haka-haka ang inihahayag nila sa madla.

Gaya na lang nitong nakaraan na biglang humulagpos ang ‘dila’ ni PCOO Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma, Jr.

Aba, ang isagot ba naman sa hinaing ng mga commuters sa nakakukunsuming serbisyo ng MRT/LRT ‘e kung nahihirapan maghanap na lang daw ng ibang sasakyan ‘yung mga pasahero?!

Grabe ka kolokoy!

‘E mas taklesa pa pala itong si Secretary Coloma kay presidential sister KRIS AQUINO.

Nalilimutan yata ni Sec. Coloma na ang MRT ay naisakatuparan sa pamamagitan ng ‘UTANG’ na binabayaran ng buwis ng mamamayan.

Kaya nga gustong mag-MRT ng commuters ‘di ba, dahil ‘yan ang mass transportation system na dapat nagseserbisyo sa kanila nang tama at alam nilang makararating agad sila sa paroroonan nila.

Tapos bibigyan mo sila ng option na sumakay sa bus?!

Hey, Secretary Coloma, alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?!

E kung hindi ka pa BINOMBA ng netizens, mag-APOLOGIZE ka kaya?

Kung tutuusin nga dapat hindi lang APOLOGY, dapat nag-RESIGN ka na.

Para naman kasing pati ikaw hindi na kombinsido sa sinasabi mo … hehehe …

Ang tanong nga ‘e, may naniniwala pa ba sa iyo?!

Pakitanong na lang kay Undersecretary Rey Marfil, Secretary Coloma.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *