PATAY ang construction foreman nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek, habang naghahapunan kasama ang kanyang misis sa loob ng bahay, sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Cerilo Reyes, 43-anyos, ng Pabahay Site, Dulong Sampaguita st., Brgy. Tanza, ng nasabing lungsod sanhi, ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ibat’ ibang bahagi ng katawan at ulo.
Base sa pinagsanib na ulat nina PO3 Allan Ogatia at PO2 Exequiel Sanco, kapwa may hawak ng kaso, dakong 11:30p.m. naganap ang insidente sa lugar.
Sa ulat, naghahapunan ang biktima at kanyang misis nang biglang pumasok sa loob ng bahay ang hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril ang biktima bago mabilis tumakas.
Labing-apat na basyo ng bala ng baril ang nakuha ng mga tauhan ng scene of the crime operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.
(rommel sales)