MAKARAAN ang walong oras na pag-hostage sa isang taon gulang na anak, sumuko ang isang lalaki sa Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.
Nasa kustodiya na ng Isulan Police ang hostage taker na amang si Kadape Mupac.
Batay sa report ng pulisya, nagwala ang suspek nang maaburido dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang misis na si Sagera Kumboto, kaya ini-hostage at tinutukan ng patalim ang paslit.
Ngunit nailigtas nang hindi nasasaktan ang biktima nang sumuko ang suspek.
Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek na sumuko nang magpakita ang kanyang asawa.
(BETH JULIAN)