NALITSON nang buhay ang 3-anyos totoy nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Alab, Arakan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.
Ang biktimang si Riezel Bangoy ay namatay nang ma-trap sa kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Ayon kay Leo Arandilla, may-ari ng bahay at kapitan sa nasabing barangay, nawalan ng koryente sa kanilang lugar kaya gumamit sila ng kandila.
Sa teorya ng mga bombero, posibleng dumikit sa kurtina o natumba ang kandila na pinagmulan ng sunog.
Nabatid na gawa lamang sa light materials ang bahay kaya mabilis ang pagkalat ng apoy. (BETH JULIAN)