SANA ay magtagumpay si Leyte Rep. Sergio Apostol sa kanyang House Bill 3779 na ipagbawal na ang paniningil ng parking fees sa mga parking area ng shopping malls, hotels, at iba pang commercial establishments.
Dapat lang naman na ang mga nasabing establisyemento lalo na ang shopping malls ay maglaan ng libreng parking area para sa kanilang mga parokyano.
Mantakin n’yo naman, mamimili ka na sa mall nila tapos sisingilin ka pa sa parking area.
‘Yun ibang mall pati paggamit nga ng comfort rooms nila may bayad pa!
Aba ‘e sa parking area pa lang ‘e panalo (tubong lugaw) na ‘yang mga mga mall na ‘yan.
Ang hindi lang daw kasama rito ‘e ‘yung mga establisyemento na ang purpose ng kanilang pagtatayo ng building ay para sa pay parking at kailangan ‘e malinaw daw na nakasaad ito sa kanilang building permit.
Ang sino mang establisyemento na lalabag ay pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 habang ang mga opisyal ng kompanya ay maaaring makulong nang hindi lalampas sa limang (5) taon.
Aba ‘e dapat aprubahan na agad ang batas na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com