GUSTO natin ang panukala ni Senator Grace Poe na isailalim din sa lifestyle check silang mga Senador.
Talaga naman kasing nakapagtataka ang ‘YAMAN’ ng mga politiko sa atin bansa.
Wala namang establisadong negosyo pero hanep ang kanilang asset & properties.
Gaya na lang ni Senator Lito Lapid, napabalita kamakailan na bumili na naman ng bagong mansion (P16 million worth) sa Angeles City, Pampanga.
Si Sen. Bong Revilla na may malaking bahay sa Ayala Alabang village.
At si Senator Ralph Recto na madalas din makita sa kanyang palasyo ‘este’ mansion sa Ayala Alabang Village na kapag sumilip ka raw sa gate ay hindi mo matatanaw ang bahay dahil sa laki ng lote!?
‘Yan ang malaking ipinagtataka natin sa mga politiko dito sa Philippines my Philippines …
Noong wala pa sa politika ‘e hindi naman sila ganoon kayaman.
Pero nang pumasok sa politika ‘e biglang nag-BOOM ang lahat sa kanila.
Biglang naging famous then rich then wealthier…
Hindi kaya napapansin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES ‘yan?
Kung seryoso talaga si Madam KIM na makalikom ng ‘TAMANG BUWIS’ sa mga dapat magbuwis, aba ‘e ‘yan ang una niyang sudsurin.
‘Yan mga mambabatas, politiko, at mga opisyal ng gobyerno ang bantayan ninyo Madam KIM.
Tiyak, malaki ang makukuha ninyong ‘BUWIS’ sa kanila.
Unahin mo na kaya ‘yang TATLONG SENADOR!?
‘Yan ay kung may ‘balls’ kang gawin ’yan Madame Kim!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com