If, when we were God’s enemies, we were reconciled to him through the death of his Son, how much more, having been reconciled, shall we be saved through his life..—Romans 5:10
NAKU, mga kabarangay naglalabasan na ang katotohanan sa Department of Public Service (DPS) Main Office sa Arroceros na talagang ginagawa nilang sariling pa-mamahay ang opisina ng gobyerno.
Hindi lang pala si Fernando Lugo, OIC ng DPS-District III ang ‘naninirahan’ sa DPS Office, na kumakain, naliligo, dumudumi, naglalaba at natutulog sa opisina kundi pati kanyang ilang mga tauhan ay kasama ng opisyal!
Susme, opisina ginawa nilang bahay!
***
KASAMA rin daw ni Lugo sa ‘bahay’ si Danilo na may item na clerk sa DPS. Dakilang tsutsu rin ito ni boss tsip Che Borromeo ang ‘hepe’ ng DPS.
Gaya ni Luga este Lugo, inaangking bahay na rin ni Danilo ang DPS Office dahil siyempre libre—koryente, tubig, renta at iba pa, pati yata mga number two nila dito dinadala!
Libre lahat, mga buwiseet!
***
PERO hindi bale mga kabarangay, nalaman natin na gagawa daw ng aksyon ang City Administrator’s Officenang makarating sa kanila ang impormasyong ito.
Naku, Atty. Simeon Garcia, magtanong-tanong ka lang sa mga tao d’yan sa tapat ng kanilang opisina at magmatyag makikita mo sila sa umaga, pupungas-pungas pa ang dalawang ungas!
***
MAHIGPIT na ipinagbabawal na gawin ‘bahay’ ang anomang tanggapan o opisina ng gobyerno, ayon sa Civil Service Commission (CSC).
Ang opisina ng gobyerno ay sagrado, hindi ito dapat babuyin ng sinoman, ito’y labag sa batas.
Pangulong Erap, ‘yan ang totoo sa DPS!
MURA SA DIVI,
HOLDAP NAMAN
KAPALIT!
KAWAWA pala ang mga kabarangay natin namimili d’yan sa Divisoria, dahil puntirya sila ng mga kilabot na kawatan na nagmamatyag lamang sa labas ng mga malls ng 168, 999, 888, Tutuban at Chinatown Malls.
Sa sumbong sa atin, araw-araw ay may nagaganap na holdapan, snatching sa nasabing lugar, mula sa Recto-Antonio Rivera hanggang sa Abad Santos Avenue.
Dyusko, nakamura ka nga, naholdap ka naman!
***
GALING daw sa Barangay 248 Zone 22 na sakop niChairwoman Annalyn Mallari ang ilang snatcher at holdaper, habang ang iba naman ay sa kabilang lugar ng Quiricada ang mga kilabot na kriminal.
Mga pasaherong namili o pupunta pa lamang sa Divisoria ang karamihang nabibiktima. Reklamo pa sa atin, walang makitang pulis sa area kaya naging talamak ang krimen
Aysus ginoo, MPD Gen. Rolando Asuncion, nasaan ba ang mga pulis mo?!
NARITO naman ang mga ipinadalang text reactions sa atin ng mga masusugid na mambabasa ng Hataw.
MANUNUBA ANG PPA
Chairman Ligaya paki-kalampag po naman ang Phil Ports Authority (PPA), dinadaya nila ang pasuweldo sa mga kinuha nilang magpapa-survey sa Ports of Manila, hindi nila sinunod ang napagkasunduan ng mga hinire nilang tao. Isang malaking sampal ito sa PPA dahil ang nagpa-surbey mismo ay isang Raul T. Santos, assistant general manager for operation ng PPA, pero mga manunuba sila! 09228155+++
TOTOONG ATTACK
AND COLLECT ANG DPS
220 po Chairman Santos na attack and collect ang DPS dpat na talagang malaman ito ni Mayor Erap, cya ang nacci sa lahat ng ito, mga ksama nya puro mga kolektong sa vendors—09328848+++
KUWESTYONABLE PA
SI CHE BORROMEO
Bakit nga po nakaupo na c che borromeo sa DPS eh natalo cya kandidato noong elek-syon? Bwal pa cya sa gobyerno bakit pinapa-yagan ito ni Mayor Erap? Pakisagot nga mga taga city hall! —090965550+++
BUWISET NA SA TOWING
Tiis tiis lng tlaga chairman, kahit bwiset na kami d2 sa towing na wala ng gnaw kundi manghatak ng manghatak ng sa2kyan d2 sa quiapo, malu2pit drating din ang karma nila, malapit na! —anonymous
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321- 4355. Ang ating kolum ay luma-labas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos