Sunday , December 29 2024

PNPA graduates 2nd class citizen sa Philippine National Police (PNP)

00 Bulabugin JSY

MATAGAL na natin naririnig sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang hinaing na ito …na mismong ang mga pulis na graduado sa Philippine National Police Academy (PNPA) ay nagiging second class citizen sa pambansang pulisya.

At kung hindi tayo nagkakamali, nagsimula ito noong isanib ang Philippine Constabulary (PC) sa Integrated National Police (INP).

Kaya nga kung tawagin noon ang pulisya ng bansa ay PC-INP.

Maraming graduado sa Philippine College of Criminology (PCCr) ang nakaramdam ng matinding demoralisasyon noon.

Ang unang naging isyu ay ang unti-unting pagkamatay ng civilian authority at ang pagpasok ng kaisipan at kulturang military sa pambansang pulisya.

Pero s’yempre, ‘inayos’ ang mga sentimyentong ito hanggang unti-unti ay matahimik na nakapasok sa pambansang pulisya ang mga taga-Philippine Military Academy (PMA’er).

Huwag na natin bilangin, pero ang mga pamosong PMA’er sa PNP ay sina Boogie Mendoza, Reynaldo Berroya, Panfilo Lacson, Rey Acop, Jewel Canson, John Campos, Avelino Razon, EQ Fernandez, Virtus Gil, Gen. Jesus Versoza, Allan Purisima, at marami pang iba …

Ilan lang sa mga graduado ng PNPA gaya nina Gen. Danilo Abarsoza at S/Supt. Elmer Jamias ang alam nating mayroong makulay na kasaysayan sa PNP pero lagi pang natatrabaho.

Sa sulat nga ng PNPA alumni kay Local Government Secretary Manuel Roxas II, sinabi nilang ang natitirang 325 PMA’ers ay okupado lahat ang top positions  sa PNP habang ‘yung 3,636 PNPA graduates ay nakatalaga sa mga posisyon na hindi nga maikokonsiderang mainstream sa PNP.

‘E kung ganyan nga ang sitwasyon sa PNP, paano nga naman magiging parehas ang ‘playing field’ para sa PNPA grads.

Lahat nga raw ng key positions sa PNP ay hawak ng PMA’er maliban sa health service, chaplain service at crime laboratory na ang naitatalaga ay mula sa PNPA.

Mula PNP chief hanggang sa command group, PNP deputy chief for administration, deputy chief for operations at chief directorial staff ay pawang PMA’er.

Sabi pa sa ulat, maging ang Class A provincial police offices ay hawak ng PMAers at ang Class B and C ang kinatatalagahan ng mga taga-PNPA.

Heto pa, dahil ang retirement age sa PNP ay 55 years old, ang mga nagreretirong heneral ay naitatalaga pa sa iba’t ibang position sa gobyerno.

‘Yan ay kung marunong kang lumaro sa mga bossing…

Napakaswerte naman ng mga PMA’er na ‘yan talaga! Kumbaga, nang magsabog ng ‘PANLALAMANG SA KAPWA’ este ng ‘SWERTE’ sa mundo ay nasahod nilang lahat.

Ang ipinagtataka lang natin, sa kabila ng mga biyayang natatanggap PMA’ers, bakit naman sila pa ang nasasangkot sa kung ano-ano at milyon-milyong anomalya?!

Nariyan ang Euro Generals at ang multiple anomaly sa repair ng chopper at ACP tanks …ilan lang ‘yan, Secretary Roxas.

May pag-asa pa ba ang DILG na ayusin o gibain  ang sistemang ‘AYER’ sa PNP na kung ilang taon nang nakaugat sa police institution?!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit marami sa ating mga pulis ay utak-pulbura!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *