Saturday , December 28 2024

Unfair distribution of barangay RPT share of income ‘binubusisi’ ni konsi Dennis Alcoreza

00 Bulabugin JSY

PORMAL na lumiham sa Manila Office of the City Accountant si Manila District 1 Konsehal Dennis Alcoreza para alamin kung magkano talaga ang opisyal na nakuha ng Barangay 128 na pinamumunuan ni Barangay Chairman SIGFRED HERNANE sa Real Property Tax (RPT) share of income.

Marami na rin daw kasing barangay chairman ang nagreklamo at humingi ng tulong kay Alcoreza kung bakit ang P52 milyon RPT share of income (scam?) ay mag-isang napunta lang sa Barangay 128.

Gayong ang nasabing P52 milyon RPT ay mula umano sa commercial at business establishments na matatagpuan sa harbour area.

Sa liham ni Alcoreza kay Office of the City Accountant officer-in-charge, Rosario Planas, sinabi ni Alcoreza na sa ngalan ng mga ‘naagrabyadong’ barangay, nakialam na siya at ipinaabot na niya kay Erap ang pangyayari.

Mismong si Erap daw ay naniniwala na ang City Council Resolution 154 ay hindi parehas sa iba pang barangay na dapat makinabang dito kaya inutusan daw si Alcoreza na humanap ng paraan kung paano maipapamahagi nang parehas ang RPT share of income sa mga kinauukulang barangay.

Aba ‘e kung totoo nga ‘yan, ‘e mabuti naman Konsehal Alcoreza.

Para may ‘marinig’ naman kami na may ginawa kang makabuluhan para sa constituents ng Maynila.

Kaya mo bang kasuhan ang mga Konsehal na nagpasa ng kwestionableng resolution na ‘yan pati na si Chairman Hernane!?

Naniniwala naman tayo na kaya mong gawin ‘yan … ‘wag lang sana for the sake of ‘grandstanding.’

At ‘wag rin naman matsubibo lang ang mga punong barangay na nabukulan sa resolution na ‘to!

‘Di ba, Konsehal?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *