Friday , November 15 2024

The looming romance of Kris A. & Mayor Bistek (from Tates to Tetay?)

00 Bulabugin JSY

KAHIT na sanay na ang publiko sa napakadalas na pagtibok ng puso ni presidential sibling Kris Aquino, ‘e marami pa rin naman ang ‘napa-HA!?’ (kabilang na ang inyong lingkod) nang aminin niya kamakalawa ng gabi sa kanilang programa ni Boy Abunda na nagpaalam na si Quezon City Herbert ‘Bistek’ Bautista sa kanilang pamilya para sa kanyang pormal na ‘pagdiga’ sa Queen of All Media.

Talaga naman…

Actually, mukhang formality na lang naman ito.

Kaya nga napag-usapan na sila dahil mayroon nang mga nakapansin sa kanilang ‘special closeness’ bukod pa nga sa retrato na inilabas ni Kris sa kanyang Twitter na may caption na “Family Dinner.”

Inulan nga raw ng mga ‘kinilig’ at ng mga ‘hater’ ang nasabing post hanggang tanggalin ni Kris kaya lalong na-curious ang publiko.

‘E alam  n’yo naman si Ate Kris, ‘napakaingay’ ma-in-love …kumbaga wala nang bago sa mga ginagawa niya kapag puson ‘este’ puso ang pinag-uusapan.

Sa bahagi naman ni Kyusi Mayor Bistek, ang alam natin lalo na ng mga taga-Quezon City Hall, ‘e naugnay sa kanya ‘yung isang magandang contractor na kilala sa tawag na ‘Madam TATES.’

Wala raw hindi nakakikilala kay Ma’m Tates sa mga nakapaligid (inner circle) kay Mayor Herbert Bautista dahil hindi lang close kundi very, very close raw sa isa’t isa ang dalawa?

Nasaan na ba siya ngayon?

Kung ganyang pormal na siyang nagpaalam sa pamilya Aquino para sa paninikluhod sa kanilang  bunso, ibig sabihin ‘e wala na sila ni BFF TATES?!

Ibang klase ka rin  YORME Bistek …pinabibilib mo ako … from TATES to TETAY?!

Kunsabagay, kung legalidad lang din naman ang pag-uusapan ‘e wala naman hahadlang sa BISTEK-TETAY romance.

Binatang-ama si Yorme, at annulled naman si Kris. Pareho na rin silang mayroong mga anak … ‘e di HAPPY FAMILY na po ‘yan!

Anyway, it’s your choice …it’s your life… be happy and be merry …

Wish lang natin na sana ay mapatunayan ni Kris na ‘yan ay hindi matutulad sa mga naging relasyon niya kay Philip, kay Joey M., at kay James Yap.

Good luck KRISTEK!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *