NAGBIGTI ang 34-anyos lalaki makaraan makipag-away sa kanyang misis kamakalawa sa Norzagaray, Bulacan.
Kinilala ang biktimang si Leo Eraldo, 34, residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Norzagaray.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, bago ang insidente, nakipagtalo ang biktima sa kanyang misis na maaaring labis na dinamdam ni Eraldo.
Pagkaraan ay bumili ng alak ang biktima at mag-isang uminom sa loob ng kanilang silid.
Kinabuksan, natagpuan na lamang ang biktima na nakabigti sa punong-kahoy sa likod ng kanilang bahay.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matiyak na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima dahil walang iniwang suicide note.
(DAISY MEDINA)