Sir El President Jerry:
Dagdag impormasyon lamang, si Mareng Rubie Garcia ay ikaapat sa media persons na pinatay sa Cavite.
Si Bert Berbon, news field reporter ng ABS-CBN noong Dec 15, 1996, Brgy. Anabu, Imus. Kuno ay nalutas ang krimen na tinukoy ang isang ‘jailguard Espinelli’ na pumatay kay Bert, noon ay pangulo ng samahang SAMAKA (Samahan ng mga Mamamahayag sa Kabite).
Si Dennis Ramos, correspondent ng Remate, Aug. 2001 na pinatay sa Bacoor.
Si Arnulfo Villanueva: Asian Star Express Balita (weekly paper in Calabarzon, based in Dasmariñas. Killed in Naic, Cavite Feb. 28, 2005).
At si Mareng Rubie.
Binaril pero naka-survive sa 3 gunshot wounds si pareng Domingo ‘Jun’ Valdecantos, Peoples Tonight, March 15, 2013.
Ito lamang po, Sir.
Kayo na po ang bahalang mag-anggulo rito.
May ginagawang sariling imbestigasyon ang Cavite Province Publishers League Inc. (na miyembro si Mareng Rubie) sa mga motibo sa pagpaslang sa kanya.
Ito lamang po muna.
Katarungan para sa lahat ng pinatay na mamamahayag!
Eli Taparan
CPPLI adviser
Imus City PIO
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com