ISANG 21-anyos matansero ang
grinipohan sa dibdib ng kanyang kaaway sa Tondo, Maynila, inulat kahapon
Kinilala ang biktimang si Raymark Manansala, 21, matansero, ng 429 Camia St., Tondo, na nakaratay sa Ospital ng Maynila.
Agad nakatakas ang suspek kaalitan ng biktima.
Sa imbestigasyon ni SPO1 James Edrosolam ng Manila Police District PS 1, dakong 1:16 a.m. nang maganap ang insidente sa kanto ng Bonifacio at Jacinto streets sa nasabing lugar. (leonard basilio)