Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, mapanira ng loveteam! (Pilit na iniuugnay na naman ang sarili kay Coco)

ni  Maricris Valdez Nicasio

DINAGSA ng napakaraming fans nina Kim Chiu, Julia Montes, Jake Cuenca, at Coco Martin ang matagumpay na album launching ng Ikaw Lamang noong Linggo sa Trinoma Activity Center.

Bukod sa mga bidang sina Kim, Julia, Jake, at Coco na dumalo para pasayahin ang napakarami nilang fans sa launching ng soundtrack, nagbigay naman ng kani-kanilang awitin sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, at Marion Aunor. Ang IkawLamang Official soundtrack ay produksiyon ng Star Records, na  ang mga theme songs ng pinakamamahal na karakter ng teleserye nina Samuel (Coco), Isabelle (Kim), Mona (Julia) at Franco (Jake). Bahagi ng track list ang Ikaw Lamang ni Gary Valenciano, Panaginip ni Erik,  Somewhere ni Angeline, Sa Aking Pag-iisa ni Juris, Pangako ni Jovi, Pers Lab” ni Marion, at ang bersiyon ni KZ Tandingan ng Somewhere.

And speaking of Angeline, naloka kami sa singer matapos itong kumanta at kapanayamin ni DJ ChaCha. Hiningan ni DJ ChaCha ng mensahe si Angeline para sa Ikaw lamang artists particular na si Coco. At siyempre, ayun na may-i-arte na naman si Angeline na parang pusang ‘di maihi.

Tila gusto na naman niyang i-link ang sarili kay Coco at may-i-sing siya ng “kunin mo na ang lahat sa akin.” Mabuti na lang at maagap si DJ ChaCha at agad natigil ang pagnanasa o imahinasyon ni Angeline na iugnay uli ang sarili kay Coco.

Hello, Angeline, sirain ba ang loveteam nina Kim at Coco?! Eh, serye nilang dalawa iyon tapos heto’t eeksena ka ng hindi maganda! Sina Coco at Kim ang ipino-promote roon. Hindi ka kasali! Ano ‘yun?!  Kaya hindi ako nagtaka kung may biglang nag-react nang gawin ni Angeline ang arteng iyon.

Ewan ko ba naman dito kay Angeline. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasabing gusto niya si Coco eh, natatandaan ko noon, umarte siya sa amin ni katotong Vinia Vivar nang iinterbyuhin sana namin siya ukol kay Coco. Sinabi nitong ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol doon. Pero heto’t umaariba na naman siya sa kanyang imahinasyon.

Naku, Angeline, kumanta ka na lang okey?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …