Sunday , December 29 2024

Ang despalinghadong K-9 dog ng Solaire Casino Hotel at ang walang modong Parañaque City police

00 Bulabugin JSY

TILA isang nakabubuwisit na ‘KOMEDYA’ ang nangyari sa Solaire Casino Hotel nitong Sabado ng gabi.

Mayroong guest na nag-check out sa hotel.

As usual, bilang bahagi ng kanilang security measures and SOP, ipinaamoy sa K-9 dog ang luggage ng nag-check-out na guest. (Baligtad yata dapat pag-check-in ipinaaamoy sa K-9 dog ‘di ba!?)

Pagkatapos amuyin ‘e inupuan umano ng K-9 ang luggage. Ang ibig sabihin umano ay may ‘problema’ sa loob ng luggage.

Sa madaling salita, tinawagan ng Solaire aso ‘este’ security ang guest at pinababa para buksan niya ang kanyang luggage.

Pero nagulat ang guest dahil pagbaba niya ay mayroon nang dalawang pulis mula sa Parañaque PCP 13 na nag-aabang sa kanya.

Nang buksan ang luggage, walang ano mang ‘problema’ na nakita ang Solaire management at ang dalawang pulis.

Ang dalawang tulis ‘este’ pulis ay kinilala sa kanilang nameplate na sina RODRIGUEZ at TULUAN.

Ang nakita nilang  laman ng luggage ay ‘yung ilang alahas ng guest.

‘Eto na, nang walang makitang ano man, e bigla ba namang pinitikan (piniktyuran) ng kanilang mga cellphone ‘yung guest para kuhaan ng retrato.

‘E di nagulat at sinita sila no’ng guest kung bakit siya kinukuhaan ng retrato.

Ang sagot ng dalawang ‘tolonges’ na lespu ‘e for record purposes lang daw.

Sonabagan!!!

Ano ba ‘yang mga pulis mo Parañaque PNP Chief S/Supt. ARIEL ANDRADE, wala ba silang good manners and right conduct (GMRC)!?

Hindi naman suspect ‘yung guest ng hotel ‘e bigla nilang pinagkukuhaan ng retrato!?

Hindi ba malinaw na harassment iyon lalo na nga’t babae ‘yung guest?!

What the F**#!

Hindi yata nakaiintindi ng batas ang mga pulis mo d’yan sa PCP   13, Kernel Andrade … pwede bang ipadala mo muna ‘yang mga ‘yan sa Bicutan o kaya sa Fort Sto. Domingo o kaya naman ‘e doon na Mindanao, para mag-aral muna ng tamang asal?!

I-destierro mo na ‘yang sina Rodriguez at Tuluan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *