MATAPOS mabuyangyang sa mga barangay chairman ang anomalya na isang barangay lamang ang nakinabang sa P77 milyones na naunang budget na ipinalabas ng Manila City Council, ipinatawag ulit ni Yorme Erap ang mga barangay chairman na nabukulan ‘este’ hindi nabigyan ng RPT share of income sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall bulwagan nakaraang linggo.
Pero nagulat ang mga Punong Barangay, dahil imbes si Erap ang humarap sa kanila ay si Manila 5th district Councilor ALI ATIENZA ang nakipag-meeting sa kanila.
Binola ‘este’ tiniyak umano ni Atienza sa harap ng mga barangay chairman na nabukulan ‘este kapulong niya, na mabibigyan sila ng pantay na bahaginan mula sa RPT share of income ng barangay.
Hmmnnn … talaga lang Konsehal Ali ha?!
E kaninong mabubuting kamay pala kukunin ng mga barangay ang kanilang mga share ngayon?!
At paano rin sila makatitiyak na hindi na sila ‘bubukulan’ sa RPT income share?!
P52-million pa ang hinihintay ng mga barangay chairman, Konsehal Ali …
Maging parehas kaya sa pagkakataong ito ang Konseho?
Nangako pa si Atienza na may mananagot sa nangyaring anomalya at siya mismo ang magsasampa ng kaso kay Brgy. Chairman Hernane at ilang opsiyal sa city hall.
Mangyari nawa.
Babantayan namin ‘yan pangako mo, Konsi Ali Atienza!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com