Thursday , November 14 2024

Willy Asintado bagman kuno ng mga kolumnista ng Tabloid

SINO ang isang WILLY  a.k.a. Willy Asintado na nagpapakilalang tagapahayagang HATAW! at kumokolekta ng linggohang tara mula sa mga butas ng pergalan at iba pang sugalan diyan sa Baguio City?

May halos ilang dekada nang namamayagpag si WILLY ASINTADO diyan sa lungsod ng Baguio at kumukolekta ng “payola” mula sa ilang gambling lords ng siyudad gamit ang ilang kolumnista na nakabase sa Maynila.

Karamihan sa mga kolumnistang ito ay nagsusulat sa pahayagang tabloid.

Ang mabigat dito, mistulang “spotter” o tipster ng mga diyaristang nakabase dito sa Maynila si WILLY ASINTADOsa Baguio City.

Siya ang nagngunguso sa operators ng monte, pergalan at jueteng sa mga kolumnista.

Si WILLY ASINTADO rin ang nag-a-assess kung magkanong ‘tara’ ang hihingiin sa isang gambling operator. Kadalasan, padded ang payolang hinihingi at instant bukol at ipinangongolektang kolumnista.

Gaya ng pasugal ni alyas LUDING BONGGA-LING, kilalang gambling operator na malakas at bagyo sa Baguio City Hall at kay Mayor Mauricio Domogan.

Minsan na rin ipinahanting ng isang gambling lord   siWILLY ASINTADO dahil sa ginagawa niyang pag-MAMAKAPILI sa mga taga-media.

Pati mga peryanteng buko na ang diskarte ni WILLY ASINTADO ay masama na rin ang iniisip sa pekeng bagman ng media na si BILLY ASINTADO.

Ilang kolumnista na rin ang binukulan niya o kung hindi man ay direktang inonse at inistapa.

Pati ang pahayagang HATAW! ay kaladkad rin ng gagong si BILLY sa pangongolekta ng ‘tara.’

Hindi rin nakaligtas ang inyong lingkod sa ‘bagsik’ nitong siWILLY KUPAL. Pati ang ‘TARGET ON AIR’ ay ipinangongolekta ng tarantado.

Sa puwesto na lamang nina OLDAK, GERRY IBASAN,MARLON  at ARTHUR ay makailang beses nang kumubra para sa inyong lingkod.

Kahit minsan ay hindi ko pa nakikita o nakakausap man lamang ang hinayupak na ‘yan.

Hindi na tayo magtataka na isang araw, ‘pitasin’ na lamang ng mga taong kanyang tinatarantado ang WILLY ASINTADO na ‘yan!

ASINTADO raw kasing magnguso ng ilegalista at pababanatan sa mga peryodista sa layong ‘gatasan’ at pagkakuwartahan.

VIC BARRION BAGMAN

NAMAN DAW NG LAGUNA PNP

Hindi natin mawari kung pulis o tulisan si alyas VIC BARRION. Ang sigurado lamang natin, ang mamang ‘yan ang nagpapakilalang designated bagman ng Laguna Police Provincial Office.

Panay ang ikot ng VIC BARRION na ‘yan sa mga butas ng ilegal na sugalan sa lalawigan ng Laguna bitbit ang pangalan ng mga opisyal ng Laguna PNP.

Galit sa mga ganitong kupal na tao si Laguna Gov. ER Ejercito. Padampot mo nga Gov sa mga tao mo ‘yang siVIC BARRION na sobra ang kapal ng mukha at diyan pa sa balwarte mo nagkakalat ng lagim.

Sino si ALEX AGGORO sa tanggapan ni PD Col. Sapitula

May kasunod, ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00  pm, mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *