Sunday , February 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI nakaalerto vs Manyak sa Dagupan (Joggers hinihipuan)

DAGUPAN CITY – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan ang reklamo kaugnay sa isang lalaking nanghihipo ng mga kababaihan na nagda-jogging partikular sa De Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay NBI agent Tim Rehano, sinusundan ng suspek ang mga babaeng nagda-jogging habang sakay ng kanyang motorsiklo at bigla na lamang manghihipo.

Pagkaraan ay mabilis na patatakbuhin ang kanyang motorsiklo habang tatawa-tawa.

Ang suspek ay tinata-yang nasa 30-40-anyos at nakasakay sa itim na motorsiklo.

Ang madalas na biktima ng suspek ay ang mga babaeng nakasuot ng manipis at maiksing kasuotan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng kinauukulan kung may iba pang nabiktima ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …