Thursday , November 14 2024

MRT GM Al Vitangcol III, DoTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya resign!

00 Bulabugin JSY

ISANG malaking kahihiyan talaga ang ginagawa sa atin ng mga opisyal ng pangunahing mass transportation natin ngayon ang Metro Rail Transit System.

Ang kasalukuyang general manager ng MRT na si AL VITANGCOL III ay nasasangkot sa isang malaking kaso ng tangkang EXTORTION habang ang transportation secretary na si Jun Abaya (apo ka ba ni Gen. Emilio Aguinaldo?) ay inabswelto siya sa imbestigasyon.

SONABAGAN!!!

‘E ngayon nagsalita na mismo si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar tungkol sa sinasabing $30-milyon tangkang pangingikil ni Vitangcol sa isang Czech company para makuha ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon para sa MRT III, ano ang gagawin ng dalawang opisyal ng DoTC (Vitangcol at Abaya)?

Sinabi mismo ng Diplomat na si Rychtar, sa kanyang bahay naganap ang pagpupulong nila ni MRT General Manager Al Vitangcol III para pag-usapan ang pagkuha ng Czech company na Inekon Group ng kontrata para sa supply ng mga bagong bagon.

Kasama umano ni Vitangcol ang ilan pang tao sa nasabing meeting noong Hulyo 2012.

Dito raw naganap ang pangingikil ‘este’  paghingi ng grupo ni Vitangcol ng $30 milyon para makuha ang kontrata sa mga bagong bagon ng MRT. Habang nasa meeting, may tinatawagan sa telepono ang kasamang tao ni Vitangcol.

Nang tanungin ang opisyal kung sa tingin niya ay may nagbibigay ng proteksyon kay Vitangcol na humahawak ng mataas na posisyon sa gobyerno, ganito ang sagot ni Rychtar: “If you follow all the case, if you follow all the problems arising now in the MRT, you can see that Vitangcol has a very, very firm position. And nothing can move his chair, so I think that he is covered, he’s protected.”

Naninindigan din si Rychtar, na isinumbong niya kay Transportation and Communication Secretary Jun Abaya ang nangyari ngunit nakapagtatakang inabswelto ng ahensya si Vitangcol sa naging resulta ng imbestigasyon dahil sa kawalan daw ng ebidensya.

‘E kaya pala nagkakaletse-letse ang operasyon ng MRT kasi wala palang nasa utak si Vitangcol kundi ang malamanan ang kanyang bulsa!?

Ano pa kaya ang hinihintay nina Vitangcol at Abaya, ipatawag sila sa Senado at mag-grandstanding?

Hoy dalawang kamote, mag-RESIGN na kayo!

Kayong dalawa ay malaking ‘BATIK’ sa ‘daang matuwid’ at ‘no wangwang’ policy ni PNoy!

Sa bahagi naman ni Pangulong Noynoy, dapat niyang ipakita na hindi lamang sa mga kalaban sa politika mabagsik ang kanyang ‘daang matuwid’ dapat ay gayon din maging sa kanyang mga kaalyadong corrupt!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *