LAST night, katotong CARLITO ‘CALOY’ CARLOS of Bulgar, took the last steps for his final journey …
Ang biruan nga ng mga kasamahan namin sa Airport (dahil si Caloy ay likas na palabiro) nag-TAXI kasi si Kaloyski napabilis tuloy, dapat nag-JEEP lang siya … (Joke lang ‘yan katotong Caloy)!
Kidding aside, si Caloyski ay masarap na kasama kahit sa anong klase ng laban.
Hindi ko pa nalilimutan nang ikampanya niya ako noong unang tumakbo akong Director sa National Press Club (NPC) 2004 at ganoon din nang tumakbo akong Presidente noong 2010.
Nanalo po tayo pareho sa eleksiyon na ‘yan.
Pero bago po iyon, matindi rin ang ginawang alalay ni Caloy sa inyong lingkod nang maging pangulo ako ng Airport Press Club.
I’m sure na hindi lang ako ang makami-miss kay Caloyski, lahat ng mga taga-Airport ay t’yak na mangungulila sa kanya …
Hanggang sa muling pagkikita … so long Caloy, so long…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com