LANTARAN at centralized na ang mga perya-sugalan na puno ng iba’t ibang sugal tulad ng color game, dropballs, roleta, veto-veto at baraha na matatagpuan sa harap ng PNP at mga munisipyo sa lalawigan ng La Union, Pangasinan at Baguio City.
Ayon sa impormasyon, isang broadcaster at vice mayor sa lalawigan, kapwa may inisyal na B.M. at R.J. ang tumatayong ‘tongpats’ ng mga sugal lupa ng pergalan sa mga bayan ng La Union, San Fernando, Bauang, Agoo, Bacnotan, Balauan, Baguio 3 pwesto ng pergalan na pag-aari daw ng isang alias RENE BASAN sa buong Pangasinan at La Union.
Sa Pangasinan ay nagkalat din ang salot na PERGALAN ni RENE, sa San Fernando La Union, hawak ng mga operator ng illegal na sugal na sina alyas YETBO MAGAT at EMI MAGAT.
Isang alyas BETLOG-BOT DE LUNA naman ang may hawak ng mga sugalan sa Malasique, San Jacinto at Lingayen at pag-aari na naman ni RENE BASAN ang tatlong pwesto ng pergalan sa Baguio City ‘di kalayuan sa Burnham Park.
Dagdag ng source sa ipinarating sa Camp Crame, halos lahat daw ng bayan sa Pangasinan ay puno na ng mga illegal na colors game gaya ng mga bayan ng Balungao, Tayug, Binalunan, Malasique, Calasiao, Bayangbang, San Jacinto, San Carlos, Manaoag, Mangaldan at Lingayen.
Wala rin daw aksyon si Baguio PNP City Director S/Supt. Jesus Cambay, sa pergalan ni RENE BASAN sa lungsod na dinarayo ng mga dayuhan at local tourist.
La Union PNP Provincial Director S/Supt. Ramon Rafael at PNP Provincial Director S/Supt. Raymond Blanco, bakit dumami at naging talamak ang salot na pergalan sa area of responsibility n’yo!?
Anyare!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com