(May ikinakasal sa simbahan)
Pari: Lalaki mag- bigay ka naman ng konting donasyon para sa aming simbahan na naluluma na. Pwede namin itong ipaayos sa pamamagitan ng inyong mga tulong. Ganito na lang, kung gaano kaganda ang iyong mapapangasawa, gayon din ang donasyon na iyong ibibigay.
(Nagbigay ng limang piso ‘yung lalaki)
Pari: Bakit naman limang piso lang? Pati-ngin nga ng mukha ng mapapangasawa mo … (sinilip ang mukha ng babae) …
Pari: Ahhh. Oh hijo, sukli mong kuwatro…
***
IDD Call From US
HUSBAND: Hon musta ang tindahan?
WIFE: Dept store na!
HUSBAND: Ang tuba-an?
WIFE: KTV bar na!
HUSBAND: Ang mga trickad?
WIFE: Taxi na!
HUSBAND: Ang dalawa kong anak?
WIFE: LIMA na!
***
Walang Hanggan
BOY: Gaano mo ko kamahal?
GIRL: Parang bilog, walang katapusan. E ako, gaano mo ako kamahal?
BOY: Pagkatapos ng PRINCESS & I.
GIRL: Ano?
BOY: WALANG HANGGAN.