Friday , November 15 2024

SILG Mar Roxas at PNP Chief D/G Alan Purisima, kailan kaya tutuwid ang daan sa PNP-PRBS?

00 Bulabugin JSY

NAIS po naming ibahagi sa inyo ang isang email na natanggap ng inyong likod tungkol sa hindi matapos-tapos na problema ng mga beneficiaries sa PNP-PRBS. Narito po …

DEAR Sir Jerry,

Good day po sa iyo.

Please keep my name and email account confidential po.

Unang-una po maraming salamat at nabigyang pansin ang matagal nang problema sa PRBS.

1. Bulok na sistema o kawalang direksyon

2. Tiwaling kawani at walang malasakit sa kapwa

3. Sobrang hirap na nararanasan ng mga pamilya na naglalakad ng benepisyo na halos di nila binibigyang pansin pag nandoon at may insidente pa na ipinagtatabuyan o di kaya ay sinesermonan, pinagtataasan ng boses ng mga bastos na kawani ng ahensya sa harap ng ibang tao.

Laking tuwa ko po nung nabasa ko ang article n’yo regarding anomalies sa PRBS Camp Crame. Finally po, may naging boses na gigising sa mga natutulog o nagbubulag-bulagan ang mga opisyal ng ahensya.

I would like to share me and my mom’s unpleasant experience na hanggang ngayon ay di pa rin natatapos.

Bale po way back October of last year nag-submit po kami ng nanay ko ng complete documents required by PRBS para sa pag-process ng Transfer of Pension from my Dad (deceased PNP pensioner) who died last year para mailipat sa nanay ko.

Di po kami nagkulang sa pag-follow-up mapa-telepono man o pagpunta nang personal sa kanila. It’s been more than 5 months of gruelling follow up which already brought lot of stress to my mother who by the way is already turning 67 years old this year. Ang usual na sagot po sa amin ay either ‘ala pa, mahintay lang o i- follow up after a week or a few days. Ngunit ilang buwan na po lumipas at hanggang ngayon ay di pa rin natatapos kaya ‘di makapag-pension ang mother ko. Pagod na pagod na po kami ng katatawag, kapupunta pabalik-balik sa kanilang opisina para lang i-follow-up ano na ang nangyari sa papeles namin. Ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa rin tapos.

January lang po of this year ay nakuha po namin ‘yung tinatawag na Certificate of Legal Beneficiary mula sa Legal Department nila, ngunit di po do’n nagtatapos … Kasi po inaantay namin ‘yung mas importanteng dokumento mula sa Legal ‘yung Decree of Entitlement bago kami makapunta sa next step which is makapag-file kami sa Landbank ng ATM for pension at pati rin maka-update ng records na mismo sa PRBS din namin gagawin. Tapos po ay siguradong may iba pang ipagagawa sa amin.

Ang problema po, bakit lumipas na ang limang buwan mahigit ay ‘di pa rin natatapos ‘yung Transfer of Pension claim ng mother ko kahit na kompleto kami ng mga kaukulang requirements. ‘Di po ba sobrang tagal naman yata ang aabutin bago matapos o makapag-pension ang nanay ko? Ang masakit pa ay ilang buwan pa ang madadagdag sa paghihintay namin na mag-iisang taon na itong darating na Oktubre?

‘Pag tinatanong po sila ay wala silang mabibigay na konkretong sagot.

Ang problema sa kanila ay:

1. Sobrang bagal po nila umaksyon marahil ay walang maayos na proseso kaya nakukuhang pagkakitaan ng ilang tiwaling empleyado.

 2. Matagal na pagkalap ng pirma sa dokumento o papeles mula sa mga kinauukulang opisyal na nakaaantala nang husto sa pag-process ng claims or benefits.

3. Sana po ay magkaroon sila ng sistema na lahat ng tumatawag o pumupunta na nagpa-follow up ay bigyan nila ng tamang sagot kung nasaan na ang papeles, ano ang inaantay at bakit wala pa at kailan matatapos. Karaniwan nang pumupunta para mag- follow up ay di nila nabibigyan ng tamang sagot sa kung ano ang estado. Pinagmumukha nilang tanga sa kakapaikot. Kaya ‘yung iba kahit di kagustuhan ay napipilitang maglagay para lang matapos o mapabilis ang pag-process ng kani-kanilang mga papeles.

 Mabuhay Po Kayo Sir Jerry. (email withheld upon request)

 

SILG Mar Roxas, ano ba talaga ang pinagkakaabalahan mo? Kailan mo maayos ang problema diyan sa PNP-PRBS?

‘E kung ang ganyan problema ay hindi mo kayang ayusin, paano pa kapag naging presidente ka pa ng ating bansa!?

Galaw-galaw din pag may time Sir!

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *