Tuesday , December 24 2024

Jackpot sa 6/55 P190-M na

PINAALALAHANAN  ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Rojas II, ang mga mananaya na pumila ng maaga sa mga lotto outlet dahil sa pagdagsa ng mga mananaya na makuha ang mahigit P190 milyong premyo ng 6/55 Grand Lotto ngayong gabi (Lunes) .

Ani Rojas, inaasahan na ang mahabang pila sa mga lotto outlet makaraang wala isa mang nakakuha sa kombinasyong 40-41-24-09-34-21 na may kabuuang jackpot prize na P186,710,092.00 na binola noong Sabado ng gabi.

Papalo na sa P198 milyon ang premyo ng 6/55 Grand Lotto matapos bumenta noong araw ng Sabado ng mahigit P64-M ang bolahan kung saan 14 na mananaya ang nakakuha sa limang kombinasyon na may premyong P186,710.092.00 habang 1,383 namang mananaya ang nag-uwi ng tig-P1,850 sa apat na kombinasyon at 33,553 bilang ng mananaya ang nakakuha sa tatlong numero na may palit-tiket.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *