Friday , November 15 2024

Attack force ng PNoy admin inaatake

00 Bulabugin JSY
ISINUSULAT natin ang kolum na ito ay hindi natin maiwasan isipin kung nai-switch na ba ang ‘FUSE’ ng destabilization laban sa administration ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III?!

Sana mabigyan tayo ng magandang kasagutan ni pormang “Boy Abunda” ng Palasyo na si Presidential Communications Usec. Rey Marfil sa isyung ito.

Sa ating pagtingin kasi, nagkaroon ng akumulasyon ng galit mula nang isulong ni PNoy ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa mga tiwali lalo na nang rumurok sa kampanya laban sa rice smuggling.

Sa isyung ito nasaling ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na sina deputy directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.

Ang dalawa ang nagsilbing ‘fuse’ para gumapang ang titis pabalik sa Aquino administration at s’yempre ang unang tinamaan ay ang ‘weakest link’ na si Justice Secretary Leila De Lima (dahil alam naman nating lahat na siya ang nagsisilbing ‘attack dog’ ng administrasyon).

Nabunyag ngayon sa publiko, na ang dating asawa pala ni SoJ De Lima ang pumadrino umano kay P10-billion pork barrel scam queen Janet Lim Napoles kay dating NBI Director Nonnatus  Ceasar Rojas.

Pero mariing itinanggi ito ni Atty. PLARIDEL ‘Jun’ BOHOL. Aniya, nandoon lang daw siya para batiin sa kanyang kaarawan si Rojas.

Nadatnan lang umano niya ang isang babaeng nakikiusap kay Rojas na patigilin ang NBI Agents sa tila pag-pressure sa kanyang kapatid na noon ay nasa ospital at nagpapagaling mula sa isang operasyon.

Hindi umano niya inaasahan na ang nasabing babae kalaunan ay ituturong reyna ng pok barrel scam.

Huwag daw sanang bigyan ng malisya ang nasabing insidente at isinasangkot pa umano sa kanyang ex-wife na si SoJ De Lima.

At ‘yan ang problema ni Secretray De Lima ngayon.

Kahit na sabihin nating hiwalay na sila ng kanyang dating asawa ay hindi pa rin maiiwasan na isipin ng tao na mayroong ‘impluwensiyang’ nagaganap sa DoJ lalo na nga’t mayroon silang anak.

Ibig natin sabihin Madam Leila, mayroon pangangailangan na itulak mo ang malalim na imbestigasyon sa nasabing insidente nang sa gayon ay malinis ang pangalan ninyo, kapwa ng iyong ex-hubby.

Sa totoo lang, hindi lang natin ilang beses nakasalubong ang tunog ng pangalan ng iyong dating asawa lalo kapag ang kausap ko ay mga taga-DoJ at taga-Bureau of Immigration (BI).

Kumbaga, baka hindi mo nalalaman Madam Leila, na napakainit ng pangalan ng iyong ex-hubby d’yan mismo sa mga teritoryo mo.

E kung ganyan nga, ano ang iisipin ng publiko?!

Na alang-alang sa inyong nakaraan ‘e napapaboran si Atty. Plarodel Bohol?

Malisyoso nga ‘di po ba?!

Pero alang-alang po sa kapanatagan ng mamamayan  na naniniwalang hindi mo ginagamit ang impluwensiya mo sa mga kasong hawak (gaano nga ba kalalaking kaso ‘yan, Madam?) ng iyong ex-hubby ‘e MAGPALIWANAG kayo sa taong bayan!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *