NALUNOD ang 65-anyos taxi driver nang nahulog sa Pasig River habang umeetsas sa gilid nito sa Intramuros, Manila kamakalawa ng hapon.
Nakababa pa ang underwear hanggang tuhod nang iahon ang bangkay ng biktimang si Guilermo Casaway ng Brgy. 656, Zone 69, Manila.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Crispino Ocampo, dakong 3:30 p.m. nang makitang palutang-lutang ang biktima sa Pasig River malapit sa Plaza Meximo, sakop ng Intramuros, Maynila.
Sinabi ni Ocampo, unang nakita ang biktima na dumudumi ngunit maaaring nawalan ng balanse kaya nahulog at nalunod. (LEONARD BASILIO) ‘