Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sogo, 21 Years na!

ni  Maricris Valdez Nicasio

MATAGUMPAY na ipinagdiwang ng Hotel Sogo ang kanilang ika-21 anibersaryo na ginanap sa Elements Centries. Naging guest performers sina Faith Cuneta, Jason ng Rivermaya, X-Factor winner—Daddy’s Home, at ang itinanghal na Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors 2014 na sina Vince Vargas at Glaiza Sarmiento.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 33 branches nationwide ang Hotel Sogo na inilunsad kamakailan ang bagong branch sa Naga City.

Sa anniversary/thanksgiving party, pinarangalan ng management ang loyal employees sa kanilang serbisyo for the past 20 years. Nagkaloob din ng Manager of the Year at Branch of the Year awards.

Ayon kay Mr. Edmundo Las, Hotel Sogo’s CEO, ang tagumpay ng kanilang kompanya ay dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao at siyempre, sa magagandang serbisyong ibinibinigay ng kanilang mga empleado. Sa patuloy na pagdagdag ng mga branch nito, maraming job opportunities ang naibibigay.

Bukod sa Hotel Sogo, mayroon pang businessman’s hotel, Eurotel, at Eurotowers (condominiums sa Cubao, Davao, at sa Fairview, QC).

Dumalo rin sa pagdiriwang sina COO Mr. Gus Corpus, Finance Director Mr. Raul Dy, HRD Director Rolina Dimalanta, Engineering Director Arct. Onin Delos Santos, Sogo Employee Relations Council Chairman Mr. Joey Flores, Sector Heads, Hotel Branch Managers, Department Heads, at Board of Directors.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …