Friday , November 22 2024

Konsehala na dating Miss Earth sugatan sa ambush

SUGATAN ang dating Miss Earth-Philippines na konsehala ng Hagonoy, Bulacan, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Paombong, Bulacan.

Sa impormasyon mula kay Senior Supt. Joel Orduna,  Bulacan Police Director,  kinilala ang biktimang si Konsehal Francis Dianne Cervantes, 32, residente ng Brgy. Mercado.

Naganap ang bigong pagpatay kay Cervantes dakong 7:30 p.m. sa bayan ng Paombong.

Sinasabing nakaangkas sa motorskilo ang biktima at patungo sa bahay ng kanyang pamilya sa Brgy. San Isidro 2, Paombong, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Agad tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril, habang dinala ng mga residente si Cervantes sa isang ospital sa Paombong bago inilipat sa Bulacan Medical Center sa Malolos City.

Mula sa Malolos City, dinala na si Cervantes sa isang pagamutan sa Metro Manila.

Nasa ikatlong sunod na termino na bilang konsehal ng Hagonoy si Cervantes na itinanghal na Miss Earth Philippines-Fire noong 2006.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *