Sunday , February 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

HS graduating student utas sa schoolmate

BINARIL at napatay ang graduating high school student ng kanyang schoolmate sa Brgy. Rizal, sa bayan ng Claveria,

Misamis Oriental kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si John Rey Balayong, 19, ay binaril at napatay ni Nico Labastida, 19-anyos, kapwa mga estudyante ng Rizal National High School.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inoman ang dalawa sa labas ng school campus nang mag-walkout ang suspek makaraan ang mainitan nilang pagtatalo.

Ngunit bumalik ang suspek na armado ng .45 caliber pistol at binaril ang biktima.

Sumuko ang suspek kay Barangay Malaguing Chairman Linda Nandong kamakalawa ng gabi at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Ang suspek at ang biktima ay nakatakda sanang magmartsa sa kanilang graduation rites sa Marso 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …