Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Disbursing officer kritikal sa P1.7-M payroll robbery

LEGAZPI CITY — Nasa kritikal na kondisyon ang municipal disbursing officer makaraan barilin ng mga armadong holdaper sa P1.7-milion payroll robbery incident sa Brgy. Centro, Masbate City.

Kinilala ang biktimang si Elieser Alfornon , 44, disbursing officer sa munisipyo ng Claveria at residente ng Brgy. Poblacion 1 sa parehong bayan.

Sa report ng opisina ni Chief Supt. Victor Deona, sakay ng tricycle ang biktima at papuntang Claveria dala ang P1.7-million na pampasahod sana ng mga empleyado, nang mangyari ang insidente.

Sinasabing bigla na lamang tinambangan ang biktima ng riding-in-tandem suspect gamit ang 9mm pistol at agad hinablot ang dala niyang bag na naglalaman ng mga dokumento at ang nasabing pera.

Agad isinugod ang biktima sa Masbate Provincial Hospital at kasalukuyang inoobserbahan ang kalagayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng …