KRITIKAL ang kondisyon ng isang ama ng tahanan makaraan tagain ng tatlong beses ng kanyang lasing na anak sa Koronadal City kahapon.
Kinilala ang biktimang si Alex Montial, ng Barrio 5, Brgy. Sto. Nino ng nasabing lungsod, nilalapatan ng lunas sa South Cotabato Provincial Hospital.
Nauna rito, lasing na umuwi ang suspek na si Boy at humingi ng pagkain ngunit walang maibigay ang ama.
Bunsod nito, nagwala ang suspek, kumuha ng jungle bolo at pingtataga ang ama.
(BETH JULIAN)