Tuesday , December 24 2024

‘Komedya’ naging trahedya

PATAY sa saksak ang isang ‘komikero’, nang maasar ang isang kabarangay,  habang nagpapatawa sa tinatambayang tindahan, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa  ng hapon.

Sa report sa Manila Police District, kinilala ang biktimang si Dennis Bustamante  y Redrico, 41, ng 1901 – K Int. 24 Zamora Street, Pandacan.

Kinilala ang suspek na si Dennis Sangalang,  34, ng 1922 Int.  34 Bario Banana, Zamora Street,  Pandacan.

Ayon kay  SP01 Richard S. Escarlan,  ng MPD-Homicide Section, dakong 3:30 ng hapon nang saksakin ng suspek ang biktima sa harap ng tindahan ng isang Joey Espedillon, sa nasabing lugar.

Salaysay sa pulisya ni Espedillon, likas na komedyante ang biktima  at habang nagpapatawa sa harap ng kanyang tindahan ay biglang lumapit ang suspek saka patalikod na sinaksak ang biktima.          (l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *