Friday , November 22 2024

Birthday girl binati sa mic kelot tinaga ng kapitbahay

KRITIKAL ang kalagayan ng 30-anyos kelot nang  pagtatagain ng  nagselos na kapitbahay dahil sa pagbati ng happy birthday sa kinakasama ng suspek, sa Malabon City,  kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Randy Sabanal, 30-anyos, ng #41-Dr. Lascao St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod, sanhi ng mga taga sa balikat at ulo.

Tugis ng mga awtoridad ang suspek na si Jeffrey Miranda, alyas Jeffrey Kabayo, kalugar ng biktima na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO1 Edsel dela Paz, may hawak ng kaso, dakong 2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente ilang metro ang layo sa bahay ng biktima.

Nauna dito, narinig ng suspek na binati ni Sabanal ng happy birthday ang kanyang kinakasamang si Rizza, sa loob ng isang videoke bar sa nasabing lugar.

Dito umuwi ang suspek  at kumuha ng itak saka inabangan si Miranda at nang magkasalubong ay agad pinagtataga ang biktima.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *