PATAY ang 13-anyos binatilyo nang barilin sa loob ng computer shop, ng hindi nakilalang suspek na naka-bonnet, sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot ang biktimang si Ramon Tanjongco, 13-anyos, out of school youth (OSY), ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo.
Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, may hawak ng kaso, dakong 4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Santina Computer shop nasa #35 Roque St., ng nasabing barangay.
Nanonood umano ang biktima sa mga naglalarong kostumer sa computer shop nang pumasok ang naka-bonnet na suspek at agad pinutukan ang biktima sanhi ng agaran niyang kamatayan.
Nauna rito, dakong 2:20 ng madaling araw ay nakasagupa ng biktima at mga ka-tropa ang kalabang grupo sa isang riot sa Kadima, Letre ng nasabing barangay na nauwi sa habulan.
Hindi inakala ng biktima sa nasundan siya sa computer shop ng isa sa mga kalabang gang at doon inupakan.
(rommel sales)