HETO pa ang isang demonyo …
VIDEO KARERA naman ang lakad ni VK KING JAKE DULING sa Las Piñas City.
Ang ganda ng latag ni JAKE! Hindi kukulangin sa 200 makina ang namumunini sa mga piso-pisong itinataya ng mga bata.
Meron din mga ‘night shift’ na mga ADIK.
Kung sa umaga ay mga estudyante, sa gabi, mga hindi makatulog na ADIK.
Ang sabi, hindi raw nakapagtataka kung bakit ganyan kalakas ang latag ng demonyong makina ng VK ni Jake Duling …
Malaki raw ang HATAG doon sa NCRPO Bicutan, CIDG South at local PNP.
Kahit itanong pa ninyo kay bagman ALAN ASPILETA!
Tsk tsk tsk …
Gen. Carmelo Valmoria, Sir, may nakararating ba sa iyong hatag ‘este’ info d‘yan?!
Pakisagot lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com