CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong miyembro ng pamilya makaraan paulanan ng bala ang kanilang bahay sa Brgy. Mabuhay, Baungon, Bukidnon kamakalawa ng gabi.
Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Juan, Rosita at Julius Magsalay, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa kapatid ni Juan na si Isidro Magsalay, nasa gitna ng kasiyahan ang mag-anak nang biglang dumating ang isang grupo ng armadong kalalakihan at pinaulanan ng bala ang mga biktima. Tadtad ng tama ng bala ang tatlong biktima habang sugatan ang 5-anyos na si Ejay Magsalay.
(BETH JULIAN)