MARAMI ang nagtataka kung bakit ‘SINIPA PAITAAS’ sa (PRO7 Regional Director) ‘daw si Task Force Tugis chief, Sr. Supt. Conrad Capa matapos nilang arestohin ang puganteng si Globe Asiatique owner Delfin Lee noong nakaraang linggo sa Hyatt Manila.
Ang sabi dahil daw nag-leak sa Media ang pag-arbor ‘este’ pag-call-a-friend ni Gov. Alfonso ‘boy’ Umali kay PNP Chief Gen. Allan Purisima sa pagkasakote kay Delfin Lee.
Pero sa totoo lang , ayon sa ating informant, hindi naman ito ang tunay na isyu.
Ang isyu ‘e ‘yung, bakit nag-LEAK at nakarating kay Vice President Jejomar Binay agad ang ‘CALL-A-FRIEND’ ni Gov. Alfonso ‘Boy’ Umali sa kaso ni Lee.
‘Yun ‘yon ‘e … bakit SUMINGAW sa kalabang ‘este’ kabilang partido?
Sinong kamote ang nagbato ng info kay VP Binay?
‘E alam n’yo naman si Gobernador BOY UMALI, hindi siya basta close lang kay PNOY …kundi very, very close sa ating Pangulo.
Anyway, Kernel Conrad Capa, good luck on your new endeavour.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com