GF: Babe happy anniversary …
BF: Happy anniversary too baby ko… I LOVE YOU
GF: I love you too
BF: I have a surprise to you
GF: What?
BF: Nakikita mo ba ‘yung naka-park na kotse doon.
GF: Oo, nakita ko THANK YOU BABY
BF: Binili kasi kita ng ganyang kulay ng tsinelas.
Payabangan ng Lolo: Electric Fan
Bossing: Pare, alam mo ba ‘yung lolo ko napaka-mainitin, paano ba naman palaging may nakatapat na 2 electric fan sa kanya para hindi siya mainitan!
Joey: Pare, chill pa ‘yang lolo mo, kasi ‘yung lolo ko may 4 na electric fan na nakatutok sa kanya para hindi siya mainitan!
Aleng Maliit: Lamigin mga lolo n’yo ano? Alam n’yo ba ‘yung lolo ko sobrang maiinitin, kaya laging nakatapat sa kanya ‘yung 1 electric fan.
Bossing: ‘Di ka ata nakikinig sa amin Aleng Maliit e, isa lang ‘yung sa iyo e ‘yung lolo nga namin 2 at 4 na electric fan nakatutok para hindi mainitan tas sayo isa lang binibida mo na?
Aleng Maliit: Bakit tagasaan ba mga lolo n’yo?
Joey: Sa Maynila! E lolo mo ba?
Aleng Maliit: Sa North Pole! O ‘di ba nakuha pang mag-electric fan?