Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alak at duwende sa panaginip

Hello po Señor H,

Vkit kya po ako nanaginip na umiinom ako ng alak, tapos daw po nakakita ako ng mga dwende, ano kya message ng pnaginip ko? Paki-interpret namn po ng dream ko, curious lang ako mlaman kng ano meaning nito… salamat po s inyo senor, I’m Alexx… pls lang po wag nyo na popost cp ko..

To Alexx,

Ang panaginip na umiinom ng alcohol o ng alak ay nagsasaad na naghahanap ka ng pleasure o ng pagtakas sa mga suliranin o isyu na ayaw mong harapin. Maaaring gusto mong mag-relax dahil sa sobrang stress na rin na iyong madalas maranasan. Kung wine ang iyong iniinom, ito ay simbolo ng divine power.                                                                                                   Kapag naman nakakita ng duwende sa iyong panaginip, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay well-grounded and connected to nature and the earth. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay maaaring mangahulugan din ng hinggil sa aspeto sa iyong sarili na hindi pa lubos na nade-develop or has been repressed. Posible rin na ang ganitong klase ng panaginip ay nagsasabi na sa pakiwari mo, ikaw ay nakadarama ng pagiging inferior or insignificant. Alisin sa iyong isipan at sistema ang mga bagay na inaakala mong ang siyang iyong kahinaan o ito ay nagiging daan upang maging maliit ang iyong kompiyansa para sa sarili mo. Mas mabuting mag-focus ka sa mga positibong bagay kaysa sa mga negatibo. Laging isaisip din na nasa kamay mo ang ikagagaling at ikagaganda ng iyong kapalaran, kailangan lang nang maingat at tamang pagpapasya, lalo na sa mga mahahalagang bagay.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …