NAGTANGKANG magpakamatay ang anak na babae ng TV host/comedian si Jose Manalo sa condo unit sa San Juan City.
Batay sa impormasyon, may iniwan pang suicide note ang naturang 17-anyos na anak ni Manalo.
Ayon kay Atty. Dennis Pangan, ikalawang beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima na ngayon ay maayos na ang kalagayan.
Taon 2012 nang maharap si Manalo sa problema sa pamilya makaraan siyang ireklamo ng misis niyang si Annalyn sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act sa Office of the Prosecutor sa San Juan City.
Nag-ugat ang kaso sa sinasabing pangangaliwa ni Manalo at pag-abandona sa kanyang mag-ina.