Mukhang matikas ang pinaghihiraman ng ‘KAPAL ng MUKHA’ at ‘TIGAS ng SIKMURA’ ng isang alias ALLAN ASPILETA.
Si ASPILETA, na nagpapakilalang No. 1 BAGMAN ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) South Metro Manila, na napakasipag umikot sa gambling lords, drug lords, beerhouse owners, KTV/bar, SPA-KOL at iba pang uri ng kailegalan na alam niyang namumunini sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila (hanggang sa probinsiya pa?).
Aba, CIDG Director, Chief Supt. Benjie Magalong, Sir, akala ko ba ay mahigpit mong sinusunod ang atas ni DILG Sec. Mar Roxas na ‘NO TAKE POLICY?’
‘E bakit namamayagpag si alias ASPILETA gamit ang opisina (CIDG) ninyo?!
I-EXPLAIN na rin ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com